Highlights
Kailangang bigyan ng sahod ang mga Contract of Service at Job Order Workers kahit na hindi sila makakapasok sa trabaho.
Kailangang bigyan ang mga pumapasok na workers ng karagdagang benepisyon.
Overview
Naaapektuhan ng enhanced community quarantine ang pinagkakakitaan ng mga COS at JO workers. Ang mga workers na hindi makakapasok sa kanilang trabaho dahil sa COVID-19 pandemic at ang mga workers na hindi kasama sa skeletal workforce ng kanilang ahensya ay makakatanggap pa rin ng sahod. Pati ang mga COS at JO workers na nasa work-from-home agreements ay makukuha rin ang sahod nila.
Magkakaroon rin ng karagdagang benepisyo ang mga kasama sa skeletal workforce at makakapasok sa kanilang mga trabaho.
Kailangang siguraduhin ng mga ahensya na ang mga COS at JO workers ay nasa isang malinis na workplace na mayroong hand soap, alcohol or hand sanitizer.