Issuances Summary

Pag-aasikaso sa mga Namatay Dahil sa COVID-19

highlight-checkmark

Maaaring tingnan ng LGU ang DILG guidelines tungkol sa pag-aasikaso ng mga namatay dahil sa COVID-19.

Ayon sa memorandum, dapat ibalanse ng karapatan ng namatayan pero dapat magingat rin ang funeral personnel upang hindi maexpose sa COVID-19.

Hindi pwedeng i-unzip ang cadaver bag, na may nakaattach na biohazard tag para sa mga namatay dahil sa COVID-19, o tanggalin ang bangkay sa bag.

Dapat magtalaga ang LGU ng mga mapagkakatiwalaang funeral parlor at crematorium na magaasikaso sa mga namatay. Tungkulin rin ng LGU na bigyan ng financial assistance upang mailipat ang mga bangkay. Dapat din magpatupad ang mga LGU ng prace cap o freeze sa mga funeral services.

Ang mga funeral parlor at crematoriumn na hindi susunod sa patakaran ay paparusahan.

Lahat ng mga funeral personnel ay kailangang magsuot ng personal protective equipment (PPE) habang inaasikaso ang mga namatay.

Ang paglibing o ang pagcremate ay dapat gawin sa loob lamang ng 12 oras, pero dapat isaalang-alang rin ang kahilingan ng mga namatayan.

Mayroon ring konsiderasyon sa mga namatay na galing sa ibang relihiyon o kultura, kagaya ng mga Muslim na dapat ilibing sa isang Muslim cemetery.

Kapag naman taga-ibang bansa ang namatay, dapat itong ipaalam sa Department of Health-Bureau of International Cooperation at sa Department of Foreign Affairs.

Memorandum Circular No. 2020 - 063
OPEN
This project is supported by The Asia Foundation in cooperation with the Department of the Interior and Local Government.
Experience designed by Limitless Lab.