Highlights
Maaaring maglaan ng pondo ang mga LGU upang mabigyan ng ayuda ang kanilang mga mamamayan.
Overview
Sa ilalim ng Makatizen Economic Relief program, naglaan ng P2.7 billion ang Makati City Government upang mabigyan ng P5,000 na ayuda ang bawat Makatizen na apektado at patuloy na naaapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Lahat ng Makatizen na 18 year old pataas na nakatira sa Makati o sa relocation sites ng lungsod sa Calauan, Laguna at San Jose del Monte, Bulacan ay maaaring makatanggap ng P5000 tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan ng Makati. Nagsimula ang pamamahagi ng ayuda sa May 15, 2020 na maaaring matanggap sa pamamagitan ng Makatizen card o GCash. Kailangan magamit ang financial assistance ng partial o buo sa isang transaksyon sa loob ng tatlumpong araw mula pagpasok nito upang manatiling valid.