TYPE
Information
CONTRIBUTOR
Iba't ibang LGUs sa Pilipinas
DATE PUBLISHED
April 15, 2020
LAST UPDATED
April 15, 2020 4:48 PM
Highlights
Maaaring magpataw ng curfew upang maging mabawasan ang galaw ng mga tao
Sa pamamagitan ng curfew, mas mahihikayat ang mga tao na manatili na lamang sa kanilang bahay.
Hindi kasama sa curfew ang mga frontliners kagaya ng mga doktor at nars.
Overview
Maraming mga siyudad sa Luzon ang nagpataw ng curfew mula 8 AM hanggang 5 PM. Ilan sa mga siyudad na ito ay:
- Muntinlupa
- Navotas
- San Juan
- Makati
- Quezon City
- Manila
- Pasay
- Pasig
- Taguig
- Caloocan
- Mandaluyong
- Las Piñas
- Parañaque
Ang ilang mga LGU - kagaya ng San Juan at Quezon City - ay sisingilin ang mga hindi susunod sa curfew dahil sa paglabag ng Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act. Ito ay aabot sa halagang P20,000 to P50,000 o makukulong ng isa hanggang anim na buwan.