Highlights
Maaring maglagay ng mga checkpoints sa mga piling lugar sa siyudad in coordination with health and police authorities.
Dapat may mga PPE (personal protective equipment) ang mga personnel sa checkpoints.
Overview
Ang mga motorista na dadaan sa checkpoint ay isasailalim sa pagcheck ng sintomas ng COVID-19 ng mga health personnel. Kailangan ring magpakita ng patunay kung bakit kailangang dumaan sa checkpoint.
Ibang ginagawa sa checkpoints base sa mga initiatives ng mga LGU:
- May health personnel (nurse o doctor) na tutulong sa mga mayroong sintomas -- dinadala sila sa ospital o sa isolation/quarantine area
- May mga tent at iba pang arrangements (health isolation area) para sa may temperature na 38 degrees and above upang makapag re-test at hindi mahihirapan ang taong ito, lalo na kung masama ang panahon.
- May comprehensive briefing para sa mga tao sa checkpoint para alam nila kung ano ang hindi pwedeng papasukin sa isang lugar at ano ang pwede.
- Mayroong mga tamang mga signs sa checkpoint para alam ng mga tao kung saan sila pupunta.
- May handwashing area para pwedeng makapaghugas ng kamay. Mayroong mga alcohol/sanitizers ang personnel ng checkpoint.
- May sapat na bilang ng personnel sa checkpoint: may aakyat sa mga bus para magcheck ng temperature, may mag escort sa mga may sintomas, may pwede magdala sa mga may sintomas sa ospital or triage area ng LGU.
- May ambulance o ibang sasakyan para sa mga may sintomas na kailangan dalhin sa ospital.
- May dalang thermal scanners ang mga personnel. Mas mabuti kung marami ang magcheck ng temperature para mas mabilis ang daloy sa checkpoint.
- Ang mga personnel ay dapat may number sa mga hotlines ng iba't-ibang LGU para madali ang coordination kung may pasyente na dapat ipadala sa ibang LGU
- May priority lane para sa DOH officials and staff, health and service personnel ng mga ospital, at Philippine Red Cross.
- May namimigay ng information flyers ang iilang personnel sa checkpoint tungkol sa COVID-19.