Highlights
Maaring sumakay ang mga health workers, iba pang frontliners, pasyente, at mga OFWs sa mga libreng sakay na inaalok ng Department of Transportation, Office of the Vice President, at mga LGU.
Upang matulungan ang mga frontliners sa inyong komunidad, maaring magsagawa rin ng libreng sakay gamit ang mga bus, jeep, o tricycle.
Overview
Inutusan ng Malacañang ang ilang mga ahensya ng gobyerno na magbigay ng libreng sakay para sa mga health workers at OFWs matapos suspendihin ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan sa Luzon.
Health Workers
Department of Transportation
Mayroong 9 na ruta sa Metro Manila para sa health workers na papunta at pauwi mula sa ospital. May biyahe ito ng umaga, hapon, at gabi.
Sa bawat istasyon, tinitgnan ang temperatura ng bawat pasahero. Regular na nililinis ang mga bus pagkatapos ng isang ikot sa lahat ng ruta. Ipinatutupad rin ang social distancing - may mga bakanteng upuan sa pagitan ng mga pasahero.
70 na bus ang gagamitin ng DOTr para sa libreng sakay.
Office of the Vice President
Para makasakay sa mga bus ng Office of the Vice President, kailangan lamang magpakita ng ID.
OFWs
Ang Overseas Workers Welfare Association ay mayroong libreng sakay para mga OFW na papunta at pauwi mula sa Ninoy Aquino International Airport. May biyahe rin ito ng umaga, tanghali, at gabi.
Mayroong libreng sakay rin ang mga LGU para sa mga nangangailangan pumunta ng ospital para sa dialysis, chemo, atbp. --para ito sa mga walang masakyan.