Highlights
Mga gabay na maaaring gamitin ng mga LGUs upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mangingisda mula sa COVID-19.
Overview
1. Bilang pangkalahatang panuntunan, lahat ng mga mangingisda, municipal o komersyal na sector man, ay hindi saklaw ng quarantine pass at hinihikayat na ipagpatuloy ang kanilang regular na pangingisda upang makapag-ambag sa tuloy-tuloy na suplay ng isda habang ipinapatupad ang Enhanced Community Quarantine.
2. Gumamit ng facemask at panatilihim ang ligtas na distansya kapag nasa pantalan o mga bagsakan ng isda.
3. Para sa mga municipal na mangingisda, ipinapayong hindi dapat hihigit sa dalawang mangingisda ang sakay ng bawat Bangka. Sundin at panatalihin ang hindi bababa sa dalawang (2) metro ang distansyang pagitan ng sa bawat isa habang nangingisda.
4. Ang mga mangingisdang nasa pangkomersyal na bangka na nasa pangmatagalang paglaot, sakay ng mga bangkang gamit ang pangulong (purse seine), kubkob (ringnet), kawil (handline), at iba pang katulad na gamit sa pangingisda ay pipapayuhang manatiling nakasakay sa kanilang bangka habang ipinapatupad ang Enhanced Community Quarantine, maliban lamang kung talagang kinakailangang bumaba ng bangka. Ang mga mangingisda na may sintomas ng CoVID-19 ay agad ibukod at ibalik sa pantalan o daungan sa lalong madaling panahon.
5. Ang mga tripulante at mga mangingisda sa mga komersyal na bangkang panguli ng isda katulad ng pangulong (purse seine), kubkob (ringnet), kawil (handline), basing (bagnet), galadgad (trawl); bangkang panghakot ng isda (fish carriers) at mga bangkang pang-serbisyo (service boats) na madalas bumiyahe papunta sa lugar pangisdaan at pabalik sa pantalan o daungan ay pinapayuhang panatilihin ang ligtas na distansya sa lahat ng pagkakataon habang sakay ng bangka.
6. Iwasan ang mga inuming nakakalasing at siguraduhing sapat ang tulog.
7. Ang sinumang mangingisda na may sintomas ng COVID-19 katulad ng ubo, lagnat, pagkahapo, at hirap sa paghinga (malalang kaso) ay dapat tumigil sa pangingisda at agad kumonsulta sa pinakamalapit na sentrong pangkalusugan (Community Health Centers) ng komunidad at sumunod sa gabay pangkaligtasan ng COVID-19.
8. Ang sinumang mangingisda o tripulanteng nakasakay sa Bangka na may sintomas ng COVID-19 ay dapat agad maibukod at maibalik sa daungan sa lalong madaling panahon.