TYPE
Information
CONTRIBUTOR
Philippine Dermatological Society
DATE PUBLISHED
April 15, 2020
LAST UPDATED
April 15, 2020 6:51 PM
Highlights
Maaring lumapit dito ang mga pasyente na may sakit sa balat.
Kailangan na may smartphone o laptop na may gumaganang camera and pasyente.
Maaaring hikayatin ng LGU ang kanilang mga mamamayan na magpakonsulta sa mga ospital na ito.
Overview
Upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa ibang pasyente at mabawasan ang bilang ng tao sa ospital, nagaalok ang Philippine Dermatological Society ng libreng konsultasyon para sa mga pasyenteng may sakit sa balat. Gagawin ito sa pamamagitan ng video call.
Ang mga ospital na nagbibigay ng libreng konsultasyon ay ang:
- Research Institute for Tropical Medicine (RITM)
- East Avenue & Medical Center (EAMC)
- Southern Philippines Medical Center (SPMC)
- Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC)
- Ospital ng Maynila (OM)
- Skin & Cancer Foundation (SCFI)
- University of the Philippines - Philippine General Hospital (UP-PGH)
- University of the East – Ramon Magsaysay Memorial Medical Center, Inc. (UERMMMCI)