Support for Frontliners
Community Response

DIY Protective Suits

highlight-checkmark

Maaaring lumapit ang LGU sa mga nurse na ito upang makatanggap ng mga DIY protective suits.

highlight-checkmark

Puwede itong ibigay ng LGU sa kanilang mga frontliners.

highlight-checkmark

Makipagugnayan sa Department of Health para malaman kung aprubado ba ang mga PPEs.

Gumawa ang mga nurse ng The Medical City Iloilo ng do-it-yourself protective suits para sa kanila at sa kapwa nilang frontliners sa nasabing ospital.

Naghanap sila ng donors na puwedeng magbigay ng mga materyales na kakailanganin nila upang idisenyo ang protective suit. Water repellant ang tela ng kanilang mga DIY protective suits. Sinuportahan rin sila ng ospital kaya nagbigay sila ng isang kuwarto para gawin ang mga DIY protective suits.

Sa isang araw, nakagawa ang mga nurse ng 30 na boots, face masks, at aprons. Umabot naman ng isa hanggang dalawang araw ang paggawa nila ng hazard material suits.

Plano ng mga nurse na magbigay rin ng DIY protective suits sa mga frontliners sa probinsya.

Article sa DIY Protective Suits
OPEN
This project is supported by The Asia Foundation in cooperation with the Department of the Interior and Local Government.
Experience designed by Limitless Lab.